232

Oct 26, 2017 @ 11:03

5 patay, 9 sugatan sa banggaan ng truck at jeep sa Tarlac

Limang katao ang nasawi habang siyam naman ang sugatan nang magsapulkan ang isang truck at pampasaherong jeep sa Tarlac City noong Huwebes.

Sa report ng “Unang Balita” ng GMA News, apat sa mga namatay ay sakay ng jeep habang ang isa naman ay helper ng truck.

Malubha naman nasugatan ang parehong driver, gayundin ang pitong iba pa.

Sa inisyal ng imbestigasyon, tinangkang i-overtake ng truck ang isa pang truck subalit nakasalubong nito ang pampasaherong jeep na nasa opposite lane.

Dinala ang mga sugatan sa ospital habang iniimbetigahan pa ng awtoridad ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?