8

By

5 pasahero patay sa tumihayang trak sa Sarangani

Sharing is caring!

Nasawi ang lima katao matapos maaksidente ang sinasakyan nilang trak sa Barangay Malandang, Malungon, Sarangani Province kaninang umaga.

Ayon kay Malungon City Police Office Chief, Supt. Ramon Gencianos, alas-11:45 ng umaga kanina nang maganap ang aksidente.

Aniya, sakay ng trak na may plate number MBL 288 ang 32 mga pasahero na patungo sana sa Maasim, ng nabanggit na lalawigan nang biglang nagkaroon ng problema sa preno ng trak na minamaneho ng isang Bebing Tacyawan.

Dahil dito’y tumihaya ang trak na agad ikinamatay ng tatlo sa limang nasawi.

Naisugod naman sa ospital ang iba pang sugatang pasahero ngunit nasawi ang dalawa sa mga ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Malungon sa aksidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?