2,826

Oct 11, 2021 @ 21:30
By

5 parak na humabol kay Jake Cuenca tinanggal sa pwesto

Limang pulis na dawit sa pakikipaghabulan sa aktor na si Jake Cuenca noong Linggo ang tinanggal sa pwesto ngayong Lunes.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Police Brigadier General Matthew Bacay, hindi parte ng standard operating procedure (SOP) ng mga pulis ang barilin ang tumatakas na suspek.

“Hindi po siya part ng SOP for a police officer to use and discharge a firearm doon sa mga humahabol ng fleeing suspects,” pahayag ni Bacay sa ulat ng 24 Oras.

Matatandaang galing sa isang drug operation ang mga pulis nang mabangga sila ng kotse na minamaneho ni Cuenca.

Sa halip na huminto ay nagtangka pang tumakas ang aktor kaya’t hinabol siya ng mga parak na humantong sa pagpapaputok ng mga pulis sa kanyang sasakyan.

Dahil sa pagbaril ng mga pulis ay may tinamaan pang Grab driver.

Ayon kay Bacay, maaari pang maharap sa kasong administratibo ang mga pulis.

Samantala, si Cuenca ay nahaharap sa kasong disobedience at reckless imprudence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?