189

Dec 25, 2017 @ 16:17
By

5 paraan para iwas diabetes ngayong holidays

Pasko na naman. Kaya naman maraming matatamis na pagkain at desserts ang matitikman. Ito ang nakasanayang ihain ng mga Pilipino sa kanilang handaan. Mga iba’t ibang klaseng minatamis na talaga namang kinagigiliwan ng mga bata, maging ng mga matatanda, kahit na alam nilang nakasasama para sa kalusugan.

Kadalasang inihahaing desserts ang buko salad, leche flan, buko pandan, ube halaya, kakanin na sapin-sapin, biko, maja blanca, cakes, ice cream at iba pang foods na mahirap talagang tanggihan.

Ngunit alam n’yo bang maraming Pilipino ngayon ang nagkakaroon ng diabetes? Ito ang sakit kung saan tumataas ang blood sugar sa dugo at posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa puso, mata, bato at paa.

Ayon sa pagsusuri ng National Heart, Lung and Blood Institute sa Maryland, USA, may limang paraan para makaiwas sa diabetes:

1. Piliin ang mga masustansiyang pagkain

2. Huwag magpataba. Subukang abutin ang iyong tamang timbang

3. Maging aktibo at mag-ehersisyo

4. Umiwas o limitahan ang mga bisyo

5. Magkaroon ng disiplina sa sarili

Batay sa pag-aaral, ang pagiging mataba at ang pagkonsumo ng maling pagkain ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng diabetes.

Kung maaari ay umiwas sa pag-inom ng softdrinks, matatamis na juices at kape na puwedeng magpataba sa iyo. Ang isang basong softdrinks ay may pitong kutsaritang asukal. Tubig na lang ang inumin.

Kung ayaw n’yong magkaroon ng diabetes, umiwas din sa pagkain ng ice cream, cake at mga sitsiryang walang mabuting idudulot sa ating katawan.

Maging matalino sa pagpili ng iyong kinakain dahil katawan mo ang magsa-suffer sa mga maling pagkain. Tandaan, nasa huli ang pagsisisi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?