5

Oct 4, 2020 @ 13:54
By

5 pang Pinoy abroad COVID-positive

Pawang mula Asia Pacific ang limang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga overseas Filipino.

Ayon ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, Oktubre 3, kaya pumalo na ang kabuuang bilang sa 10,549.

Nadagdagan din anila ng isa ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus, kaya ang total ay 6,750.

Sa ngayon, sabi ng DFA, may 3,006 Pinoy ang nagpapagaling abroad.

Nanatili naman sa 793 ang death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,