11
fire2
By

5 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Navotas

Sharing is caring!

Limang pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan matapos na tupukin ng apoy sa sunog na naganap kagabi sa lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City-Bureau of Fire Protection, alas-11:00 ng gabi nang mag-umpisa ang sunog sa isang bahay na matatagpuan sa kahabaan ng M. Naval Street, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Makapal na usok umano ang napansin ng mga residente sa lugar at nang tuntunin nila ay nakita ang naglalagablab na apoy sa isang bahay sa may looban.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Agad namang nakaresponde ang mga bumbero at makalipas ang isang oras ay tuluyang naapula ang apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ng mga awtoridad upang malaman kung ano ang pinag-ugatan ng sunog at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?