41

Oct 16, 2021 @ 22:20
By

5 pa idadagdag sa Bahay ni Kuya

Matapos ilantad ang 12 housemates sa ika-10 season ng Pinoy Big Brother, mayroon pang limang indibidwal na papasok sa Bahay ni Kuya.

Isa na rito ang young actor na si Kyle Echarri.

Hinihintay na lamang ni Kyle ang kumpirmasyon ng awtoridad upang makapasok sa Bahay ni Kuya matapos dumaan sa hotel quarantine.

“Para sa lahat ng nagmamahal sakin, maraming maraming salamat sa suporta. Sana suportahan nyo ko hanggang dulo ng pagsama ko sa PBB. Im super excited and super ready pumasok sa Bahay ni Kuya,” pahayag ni Kyle.

Kasama ni Kyle na idadagdag sa unang 12 housemates sina Albie Casiño, Chie Filomeno at mga Kumu streamer na sina Jordan Andrews at Benedix Ramos.

Samantala, ang unang 12 housemates ay sina Alyssa Valdez, KD Estrada, Madam Inutz, Anji Salvacion, TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Brenda Mage, Eian Rances, Alexa Ilacad, Shanaia Gomez, John Adajar at Karen Bordador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?