70

Mar 21, 2020 @ 13:08
By

5 pa, gumaling! Kaso ng coronavirus sa PH 262 na

Umakyat na sa 262 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ngayong Sabado, Marso 21, 2020, sa ulat ng ABS-CBN News, nadagdagan ng 32 bagong kaso ng mga nahawa sa COVID-19 sa bansa.

May isa ring bagong kaso ng pagkamatay at limang bagong kaso ng nakarekober sa naturang sakit. Dahil dito, 19 na ang pumanaw habang 13 ang gumaling sa COVID-19 sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?