31
views

By

5 notoryus na tulak sa Cebu, timbog

Sharing is caring!

Arestado sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation ang limang notoryus na drug pusher ng Cebu kung saan nasabat din ang mahigit P1.2 milyong halaga ng iligal na droga kahapon.

Sa pinagsanib na puwersa ng Talisay City Police, Provincial Intelligence Branch at Philippine Drug Enforcement Agency 7 nadakip sina Norhaine Magondacan, 41; Mutya Manusa, 23; at Montasir Obpon, 24, sa Sitio Kadoldolan, Barangay Lawaan 3.

Nakatakas naman nang makatunog na may paparating na mga pulis si Jamel Otto, na kilalang source ni Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa at konektado sa ISIS terror group sa Sitio Mananga, Barangay Tabunok, Talisay City.

Nakumpiska mula kay Magondacan ang 55 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P649,000; Toyota Vios, money-counting machine; bankbooks; P145,000 cash, at P13,000 buy-bust money.

Samantala, naaresto si Roberto Ocampo Jr., 50, at live-in partner nitong si Annabelle Labrada, 48, sa buy-bust operation sa White Road, Barangay Inayawan.

Umaabot sa P680,000 halaga ng shabu ang nasabat ng PDEA 7 sa mga ito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?