84
ABANTE drug courier shabu jailed crime arrested
May 31, 2018 @ 15:36

5 nadakma sa P800K shabu sa Bataan resort

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa loob ng resort sa bayan ng Dinalupihan sa Bataan noong Mayo 30.

Ayon sa report, nakumpiska ang nasa P800,000 halaga ng shabu at 15 gramo ng marijuana mula sa limang suspek sa No. 17 Rizal St., sa Barangay Rizal.

Nadakip ang mga suspek na sina Ferdinand Mallari, na siyang lider ng grupo; Audie-Mar Simsuangco; Eduardo Pecson; Elmer Angeles, at Kristine Mallari, na kasalukuyan na umanong mga nakakulong. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?