13
jailed5
By

5 nadakip sa Oplan Galugad sa Maynila

Sharing is caring!

Naaresto ang nasa lima katao sa sa ikinasang operasyon ng Manila Police District sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nadakip na sina Junel Aguilar y Nabor; Elmer Bedavid y Selga; Orlando Cerbitoy y Picardal; Edgay Cañez y Virallo, at Charles Mallari.

Nangyari ang pag-aresto alas-12:10 ng hatinggabi ngayong Mayo 22 sa bahagi ng Quezon cor. Pacheco, Brgy. 119, Zone 9, Tondo.

Samantala, nadiskubre rin ng mga awtoridad na ang isa sa mga suspek na si Aguilar ay may nakabinbin na warrant of arrest na may kaugnayan sa kasong robbery na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 9.

Dahil dito ay isinilbi na rin sa kanya ang naturang mandamiyento de aresto.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga nadakip sa piskalya sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?