64

By

5 na kabataan nalunod sa Iloilo

Sharing is caring!

Patay ang limang kabataan matapos na malunod sa dagat sa Barangay Bacay, Dumangas, Iloilo.

Kinilala ang mga nasawing kabataan na sina Ken Segura, 16-anyos; Voltaire Jade Derutas, kapwa taga-Brgy. Lacturan Dumangas; Stephen Lopez, 15; Carlo Lopez, 17, kapwa taga-Salas Street, Dumangas; at Roger Derutas, 15, ng Victorias Dumangas, Iloilo.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:00 ng umaga kanina nagkayayaang maligo sa dagat ang mga kabataan pero dahil sa lakas ng alon ay natangay ang mga ito at nalunod.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Dumangas Police Station, Philippine Coast Guard at iba pang volunteers at isinugod sa Ramon Duremdes District Hospital ang mga biktimang sina Ken, Stephen, Carlo at Roger pero namatay din habang narekober sa ginawang retrieval operation ang bangkay ni Derutas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?