41

By

5-minute emergency response, paiiralin sa Cebu

Kasado na ang 104 paramedics at 14 ambulances para sa pagbabalik ng five-minute emergency response system sa Cebu City.

Layunin nito na magkaroon ng maagap at mabilis na serbisyo para sa mga nangangailangan, lalo na sa mga maysakit.

Ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, committee on disaster risk reduction management, safety and climate change adaptation chairman, unang isinagawa ang five-minute response system noong 2014 subalit hindi naging maganda ang resulta dahil sa naranasang masikip na daloy ng trapiko at ang mga units ay naka-standby lamang sa isang lugar na kung saan ay inabot sila ng 10-minuto sa pagresponde.

Matapos ang naganap na pagpupulong noong Biyernes ng mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management team, handa na silang ibigay ang nakalaang limang minutong pagresponde.

Nasa 10 ambulansya ang mag-iikot sa urban areas habang ang apat na ambulansya naman ay naka-deploy sa 38 mountain barangays na kung may emergency ay agad na itatakbo.

Ang mga ambulance stations ay makikita sa Barangay Taptap at Agsungot, habang ang ibang pang ambulansya ay mag-iikot sa urban areas, round the clock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?