467

Nov 7, 2017 @ 17:23
By

5 alkalde tinanggalan ng police powers

Matapos mapabilang sa listahan ng mga ‘narco politicians’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, tinanggalan ng supervision and control power ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang limang mayor sa CALABARZON Region.

Sa inilabas na Resolution 2017-570 ng NAPOLCOM, kinilala ang lima na sina Eulalio Alilio ng Lemery, Batangas; Raul Palino ng Teresa, Rizal; Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas; Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal, at Loreto Amante, ng San Pablo City, Laguna.

Nabatid na ang pagpapalabas ng resolusyon ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa isang pulong sa Malacañang noon pang Agosto 7.

Nilagdaan na ni DILG officer in charge Catalino Cu ang resolusyon kaya’t agad na itong maipapatupad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?