325

Dec 29, 2017 @ 9:14
By

5 mangingisda nawawala sa Eastern Samar

Pinalawak pa ng Philippine Coast Guard ang kanilang search & rescue operation sa limang mangingisda na sakay ng 2 fishing vessel na lumubog sa karagatan ng Eastern Samar.

Umalis na sa Tacloban City Port ang BRP Capones ng PCG para hanapin ang mga nasabing mangingisda na sakay ng F/V Decolores 1 at F/V Belmar -1.

Iikutan ng search & rescue team ngayong araw ang mga karagatang sakop ng mga bayan Oras at Dolores sa Eastern Samar hanggang sa Suluan Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Hindi pa naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog ng dalawang fishing vessel. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?