7

Oct 18, 2020 @ 18:33
By

5 mangingisda nasagip, 1 nawawala sa lumubog na bangka sa Sulu

Na-rescue ng militar ang limang mangingisda habang isa naman ang patuloy pang hinahanap matapos na tumaob ang isang banka sa Sulu.

Ayon sa pahayag ng Joint Task Force Sulu, namataan ang limang mangingisda Linggo ng umaga sa isla sa bayan ng Patikul.

Kinilala ang mga nasagip na sina Judimar Pulalon, Alvin Pulalon, Rene Pulanlon, Kaisar Pulalon at Alnaser Hadjirul.

Samantalang patuloy pa ring hinahanap ang isang nawawala na si Arman Pulalon.

Biyernes nangyari ang insidente matapos na tumaob ang FV OK LNG na sinasakyan ng mga mangingisda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?