36
kidnap
Oct 15, 2017 @ 18:10

5 mangingisda dinukot sa Sulu

Tinangay ng hindi pa nakikilang mga armadong kalalakihan ang limang tripulante ng isang bangkang pangisda sa lalawigan ng Sulu kagabi.

Kinilala ang dinukoit na sina sina Vergel Arquino, 25, Joshua Ybaπez, 23, Emo Fausto, 63, Jonald Minalang, 24, at Cipriano Sardido, 53, na pawang mga taga-Pagadian City.

Sa ulat ng militar, alas-8:15 ng gabi kagabi habang nasa pampang ang mga mangingisda sa Sitio Manubal Barangay Simbahan Pangutaran Sulu ng sapilitang tangayin ang mga suspek.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng rescue operation ang militar para mailigtas ang mga biktima. Inaalam pa ng militar kung ano grupo ang bumihag sa mga biktima. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?