22

Oct 22, 2017 @ 13:41

$5-M reward mapupunta sa informat, hindi sa AFP

Sa isang informant at hindi sa tropa ng gobyerno mapupunta ang multi-million na reward kaugnay na pagkasawi ng terrorist leaders na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Major General Restituto Padilla, kailangan munang sumailalim sa validation ng US agents ang informant bago ibigay sa kanya ang tumataginting na $5 milyong reward na magmumula sa US government

“Ang reward money po ay intended sa mga importamante pong nagbigay ng impormasyon. ‘yan ay isusumite para sa isang masusing validation,” pahayag ni Padilla sa panayam sa dzBB kanina

May committee aniya silang binuo para magrebyu sa proseso ng pagbibigay ng award sa informant.

Samantala, hindi pa umano nadedetermina kung magkano ang reward ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakapatay sa terrorist leaders na sina Hapilon at Maute.

Matatandaan noong Hunyo, nag-alok si Duterte P10 milyon bountry para sa ulo nii Hapilon at P5 naman bawat isa sa magkapatid na Abudllah a Omar Maute.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?