52
5 lungsod sa Metro Manila kabilang sa election hotspots
By

5 lungsod sa Metro Manila kabilang sa election hotspots

Isinailalim ng Philippine National Police (PNP) sa election hotspots ang limang lungsod sa Metro Manila.

Ang mga ito ay ang Mandaluyong City, Malabon City, Caloocan City, Pasay City at Maynila.

Tiniyak ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar na kaya nilang bantayan ang limang nabanggit na lungsod dahil nasa kategorya lang ito ng “yellow election areas of concern”.

Nasa 700 na ang isinailalim ng PNP sa election hotspots, na layong matiyak ang mapayapa at maayos na halalan sa Mayo 13, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?