28

Sep 20, 2021 @ 12:14
By

5 kelot nagpaputok habang nagiinuman, tiklo

Arestado ang lima katao sa Atimonan, Quezon noong Linggo matapos magpaputok ng mga baril na walang dokumento sa gitna ng kanilang inuman session.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgar Tortor, 48; Alvin Desalisa, 57; Bonifacio Layan, 49; Alberto Oblifias, 50; at Augustus Suarez, 43.

Ayon sa ulat, inireklamo ng ilang residente sa Barangay Angeles ang pagpapaputok ng mga suspek ng kanilang mga baril habang nag-iinuman dakong alas-4:30 p.m. ng hapon.

Nang damputin ng mga pulis, nakuha sa kanila ang isang caliber .45 pistol, dalawang .38 revolver, at mga bala at magazine.

Walang naipakitang dokumento ang limang lalaki sa naturang mga baril.

Nakita rin sa lugar ang mga basyo ng bala.

Nahaharap sila ngayon sa mga kasong alarm and public scandal at illegal possession of firearms and ammunition. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?