74

Oct 31, 2018 @ 17:21
By

5 katawan narekober sa Mt. Province landslide

Nakakuha ng mga awtoridad ang limang labi sa ilalim ng tone-toneladang putik na tumabon sa dalawang gusali ng DPWH sa Natonin, Mt. Province.

Ayon ito kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, at tatlo umano sa mga ito ay nakilala na.

Ibinahagi pa nito na ang isa sa mga namatay ay residente na nagtangka sumagip ng mga naiwan sa loob ng dalawang gusali.

Aniya may 22 construction workers, na kabilang sa mga gumagawa sa road-widening project ng DPWH sa lugar, ang nawawala pa rin.

Sinabi pa ni Chiyawan na mano-mano ang ginagawang paghuhukay at mahirap na makapagpadala ng heavy equipment sa lugar dahil sa may mga insidente din ng landslides sa kalsada patungo sa lugar ng pinangyarihan ng trahedya.

Ibinahagi ng alkalde na sumukob ang mga trabahador sa dalawang gusali ng DPWH nang lumakas ang buhos ng ulan at bugso ng hangin sa pag-aakalang ligtas sila.

Nangako na si Public Works Sec. Mark Villar na magtutungo siya sa lugar kapag bumuti na ang lagay ng panahon.

May 14 trabahador ang nakatakbo palabas ng gusali bago ito tuluyang lamunin ng putik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?