26

Jun 16, 2021 @ 17:14
By

5 katao, tiklo sa buy-bust sa Maguindanao

Naaresto ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Martes ang limang indibidwal sa isang buy-bust operation sa Barangay Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Ala Hamiron, Normia Camsa Ala Salazar, Anton Vasquez Abo, Thobie Sultan Guimablang at Jomar Andong Liwa.

Ang mga kapitbahay umano ng mga suspek ang nagbigay alam ng kanilang ilegal na gawain sa mga awtoridad.

Nakuha sa kanila ang 20 gramo ng shabu na tinatayang may halagang P136,000.

Dinala ang mga suspek sa PDEA detention facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?