5 kasapi ng drug syndicate, kinasuhan ng PDEA

Sharing is caring!

Sinampahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kasong drug trafficking ang limang pinaghihinalaang miyembro ng sindikato ng droga na nahulihan nila ng P5 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, unang kinasuhan si Sahari Sabturanio, 37, lider ng grupo ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ang ibang kasamang kinasuhan ay sina Ryan Rajan, 30; Kizzie Rajan, 30; Gasi Hadjirul, 42; at Albajir Sanny, 25.

Dinakip ng mga operatiba ng PDEA si Sabturanio, alyas “Dante Solaiman,” ang kanyang mga kasama sa isang buy-bust operation noong Disyembre.

Nasa watch-list ng PDEA si Sabturanio na sinasabing kasapi din ng Kubal drug group.

Nakuha sa grupo ang 20 piraso ng plastic sachet na may lamang shabu at tumitimbang ng isang kilo at nagkakahalaga ng P5 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?