117

Dec 28, 2017 @ 9:56
By

5 Iranian na ‘ISIS’, nasakote sa NAIA

Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang Iranian national na umano’y kabilang sa Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) Terrorist Group matapos na mahuli sa kanilang pag-iingat ang mga pekeng travel document mula sa magkakahiwalay na pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon.

Kinilala ni NAIA Port Operations Chief Red Marinas, ang mga inarestong pasahero na sina Abbas Freidoun Nezhad, 29, gumamit ng pekeng Spanish passport, siya ay nasakote ng mga awtoridad noong Disyembre 22 sa NAIA Terminal 1, at kasamahan nitong si Hesam Delgarm, na gumamit din ng pekeng Spanish passport at nagpakilalang turista galing sa Thailand.

Hindi rin nakalusot sa mga awtoridad ng BI ang isa pa nilang kasamahan na si Javidial Saadi Masoomeh, na gumamit naman ng Belgian passport, at ang dalawa pang Iranian na sina Khodobandeh Parsa, at Khodobandeh Paniz, na pawang mga menor-de-edad, na nagpakilalang Belgian national. Sila ay dumating sa NAIA Terminal 1 noong Disyembre 23.

Ang mga suspek na Iranian national na dumating noong Disyembre 22 ay hinihinalang kasapi ng ISIS Terrorist Group, kung saan ay patungo sana sila sa London upang mag-recruit ng mga bagong miyembro nito. (Otto Osorio)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?