arrested
By

5 illegal recruiter timbog sa CIDG

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Trans National Crime Unit (CIDG-ATCU) ang limang mga illegal recruiter sa kanilang isinagawang magkakahiwalay na entrapment operation sa Bacoor City at Quezon City.

Ayon kay CIDG ATCU Director Police Supt. Roque Merdeguia, unang nadakip sa entrapment operation sina Lio Eireen Labrador, Alexis Gleen, Emas Lorybel Nismal at Rachelle Nisperos.

Naaresto ang mga ito pasado alas-12:00 ng tanghali kanina sa Bacoor City matapos tanggapin ang P50,000 boodle money mula sa mga nagreklamo na pinangakuan ng trabaho sa Japan bilang magsasaka at welder.

Modus ng grupo ang Nihonggo Language Tutorial kung saan hinihikayat nila ang mga biktima na mag-enroll sa kanilang eskuwelahan at may pangakong trabaho sa Japan.

Samantala, pasado ala-una rin ng hapon kanina natimbog ang isang babae na illegal recruiter.

Kinilala itong si Lanie Barroga Ventura, tubong Pangasinan.

Naaresto ito makaraang tanggapin ang P35,000 marked money mula sa complainant na pinangakuan niya ng trabaho sa New Zealand at Macau.

Patong-patong na kasong illegal recruitment at estafa ang isasampa ng CIDG laban sa mga nadakip na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?