173
Barker dampot sa iligal na droga
Feb 27, 2020 @ 9:19
By

5 hinihinalang budol-budol timbog

Arestado ng pulisya ang limang hinihinalang miyembro ng Budol-Budol Gang sa mga coordinated checkpoint ng Zambales Police sa bayan ng Iba.

Ang mga suspek ay sina Joselito Rosales, 27, Dennis Balubar, 25, Roger Lusendo, 23, Joshua Pelaez, 25 at Wilfredo Devera, 41 anyos na mga residente ng Leyte, Nueva Ecija, Cagayan, Marinduque at Lingayen, Pangasinan.

Agad namang ni-report sa Sta. Cruz police ng biktimang si Constantino Edrosalam, 79, residente ng Barangay Lucapon North, Sta. Cruz na bumili siya ng LPG Regulator sa mga suspek nakaraang buwan. Bumalik umano ang mga suspek nung February 25 na sinabing nanalo ang biktima sa kanilang papremyo sa resibo at ang premyo umano ay isang branded na gas stove.

‘Di naman na namalayan ng biktima na habang kausap ito ang isa sa mga suspek ay nakapasok na pala ang iba nitong kasamahan sa loob ng kwarto niya at nakuha ang mga mamamahaling alahas na nagkakahalaga ng higit dalawang-daang libong piso.

Agad kumilos ang operatiba ng Sta. Cruz police at pinaalam sa iba’t ibang municipal police station ang pangyayari hanggang masakote ang mga suspek sa bayan ng Iba, lulan ng isang gray get-away vehicle na may plakang UHW 258.

Ayon kay Zambales Police Director P/Col. Pojie Peñones Jr., ang mabilisang follow-up operation ng pulisya ay bilang pagtupad sa kautusan ni Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?