16

Sep 22, 2020 @ 9:41
By

5 frontliner sa 1 ospital sa Cotabato sapul ng virus

Nadapuan ng COVID-19 ang limang healthcare worker sa isang ospital sa Antipas, Cotabato.

Wika ni IATF Cotabato spokersperson Dr. Philbert Malaluan, sa isang ulat, ang mga ito ay pawang nagtatrabaho sa Arakan Valley District Hospital.

Sumailalim sa swab test ang 5 medical frontliner noong Setyembre 18. Lumabas ang resulta, Setyembre 20.

Kasunod nito, agad sinarado ang ospital at nilinis ang lahat ng mga pasilidad nito.

Hindi pa alam kung kailan sila magbabalik-operasyon. Samantala, nilipat ang mga pasyente sa New Cebu Hospital sa President Roxas, at sa Cotabato Provincial Hospital sa Barangay Amas, Kidapawan City.

Inabisuhan ni Malaluan ang mga pasyente, mga bisita, at iba pang healthcare worker na pumunta sa Arakan Valley District Hospital mula Setyembre 7 hanggang 18 na makipag-ugnayan sa awtoridad bilang parte ng contact tracing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?