55
sabong2
Oct 19, 2019 @ 14:55
By

5 entry may 3 panalo sa LGBA 2nd leg – Crisostomo

Lalarga sa Lunes ang finals sa second leg ng “Luzon Gamecock Breeders Association Breeder of Year” stag circuit sa Pasay City Cockpit.

Inaasahan ang 70 sultada sa 4-stag finals bukas hatid ng hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Naiposte ang 27 at 43 entry sa 3-stag elims noong Oct. 14 at 18, ayon sa pagkakasunod.

Limang entry pa lamang ang may tatlong panalo sa second leg, ani LGBA president Nick Crisostomo.

Samantala, kasado na sa Pasay Cockpit ang ‘Encuentro 6-Stag Derby Part 3’ (144 sultada) sa Nov. 7.

Ang mga team: Sagupaan, King Slasher, Experto, Legends, Thor, Black Rooster, Mad Science at Kai Chon Hercules.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?