26

Jun 17, 2020 @ 20:02
By

5 empleyado nagpositibo! 3 gusali sa DOJ ini-lockdown

Ipina-lockdown ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang main building ng Department of Justice (DOJ), bagong National Prosecution Service (NPS) building, at annex building malapit sa Court of Appeals (CA) upang maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19.

Ito’y makaraang limang DOJ personnel, isa rito ang naka-assigned sa field office, at ang apat ay sa ‘outsourced services’ ang nagpositibo sa virus.

“Much of the work will continue to be done from home. Affidavits, motions, other papers in connection w/ scheduled prelim investigations conducted by prosecutors will continue to be received at the frontline; otherwise, the PI may just have to be reset,” base sa direktiba ni Guevarra.

“On-site work to resume on June 29,” dagdag pa ng Justice secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?