20
ABANTE dead drug op arrested crime jail
By

5 drug suspek patay, 95 arestado sa drug operation sa Bulacan

Sharing is caring!

Limang drug suspects ang napatay habang arestado ang 95 pa matapos ang magkakasunod ng anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police sa Bulacan.

Ayon kay PNP Provincial Director Senior Supt Romeo Caramat, ang napatay sa operasyon ay kinilalang sina alyas Popeye, Arwin Dave Martin alyas Daboy taga-San Jose del Monte; Sonny Pablo Torres alyas Sonny Boy taga-Malolos; Rommel Mercado alyas Nog-Nog ng Santa Maria; at Christian Abarquez, taga-Calumpit.

Nakuha sa mga napatay at mga nadakip na drug suspek ang 277 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets ng shabu na aabot sa 170 kilos at 949 na gramo.

Narekober rin ang 12 piraso ng sachet ng marijuana na aabot sa 21 kilo at 86 na gramo, kabilang panang syam na mga baril, 93 mga balaat isang hand grenade.

Sa kasalukuyan nasa Bulacan Crime Laboratory Office ang mga naarestong drug suspek para sa kinakailangan examination habang inihahanda na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Siniguro ni Caramat na magpapatuloy ang kanilang anti-iillegal drugs operation sa kanyang area of responsibilty. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?