137
arrested
May 28, 2019 @ 19:01
By

5 drug suspect sa Tondo dinakma ng PDEA

Limang drug suspect ang naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD) sa bisa ng search warrant sa Tondo, Manila nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jose Fajardo, 61; Marvin Hill David, 33; Reynaldo Maglonzo, 50; Armando De Vera, 44; at Ramon So, 42.

Nadakip umano ang mga suspek sa sinalakay na bahay sa Velasquez St., Brgy. 82 kung saan target ng operasyon sina Fajardo at David dakong alas-11:00 ng umaga.

Binitbit na rin ng mga awtoridad sina Maglonzo, De Vera at So na naabutan sa tahanan, na sinasabing mga buyer ng iligal na droga.

Nasamsam ng mga operatiba ang 18 plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000 at drug paraphernalia.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek na nakapiit ngayon sa PDEA headquarters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?