ABANTE-TNT-huli-shabu
By

5 drug pusher tiklo sa Valenzuela

Sharing is caring!

Hindi na nakaporma pa ang limang drug addict na kinabibilangan ng isang babae, nang posasan sila ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Sa isinumiteng report ni P/ Chief Inspector Jowilouie B. Bilaro, head ng SDEU kay P/ Sr. Supt. Ronaldo O. Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang mga nadakip na sina Sylvia Broqueza, 35,biyuda, ng No. 22 Faith Compound, Barangay Karuhatan; Agapito Garcia, 41, ng No. 5 Martha Street, Barangay Marulas; Lorjim De Vega, 42, ng No. 5516 Rosario Street, Barangay Gen. T. De Leon;Juanito Carino, 49, ng No. 5525 Demetillo Street, Barangay Gen. T. De Leon at Mark Anthony Martin, 30 ng Independence Street, Barangay Gen. T. De Leon.

Sa report ni PO2 Carlito G. Nerit, dakong alas 5:30 ng hapon habang kasagsagan ang buhos ng ulan, nagsagawa ng drug operation ang mga tauhan ni Major Bilaro sa San Gregorio Street, Valenzuela City.

Nagpanggap pa ang ilang pulis na naglalako ng timba at batya saka pumoste sa gilid ng ilog sa San Gregorio Street, kung saan ang mga biyahero ng shabu ay sasakay ng balsa para makarating sa Barangay 160, Baesa, Caloocan City na lugar ng napatay ng binatilyong si Kian Delos Santos nitong nakaraang taon.

Hindi pa man nakakasakay ng balsa patungong Libis,isa-isa na itong pinagdadampot ng mga tauhan ni Major Bilaro na naka-antabay na tanghali pa lamang.

Kinasuhan ng paglabag sa Sec.11,Sec. 12 and Sec. 15 ng Art.11 of RA 9165 ang mga nadakip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?