4
arrested
By

5 drug pusher tiklo sa Tondo

Sharing is caring!

Arestado ang lima katao sa ikinasang Oplan Lambat sibat at Oplan double barrel reloaded ng Raxabago-Tondo Police Station-1, pasado alas 9:00 ng gabi ng sabado sa bahagi ng Moriones St., Tondo, Manila.

Kinilala ang mga nadakip na pawang nakatala sa drugs watchlist na sina Rex Segarino, 37 anyos; Jocebel Lopez, 43 anyos; JM Raqueza, 20 anyos; Rolando Ramos, 27 anyos; at Ronnie Alivar, 43 anyos.

Ang lima ay nadakip sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng Raxabago-Tondo PS-1 sa pangunguna ni Police Chief Inspector Gilbert Cruz.

Sa naturang operasyon ay narekober sa mga suspek ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kapag nakumpleto na ang mga kinakailangang dokumento ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.

Pansamantalang ikinulong ang mga suspek sa Custodial facility ng Raxabago-Police Station-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?