219

Sep 28, 2021 @ 16:37
By

5 dinaya exam gamit bluetooth sa tsinelas

Hindi lumusot ang high-tech na pandaraya ng lima katao sa India na gumamit pa ng bluetooth device na nakatago sa kanilang tsinelas sa tangkang makapasa sa licensure exam for teachers sa naturang bansa.

Ayon sa ulat ng NDTV, noong Linggo nahuli sa iba’t-ibang mga distrito ang lima katao.

Matapos mahuli ang mga suspek, pinatanggal na ng mga bantay sa exam ang mga sapin sa paa ng mga kukuha ng pagsusulit.

Batay sa ulat ng mga pulis, cellphone na may bluetooth ang nasa tsinelas ng mga mandaraya.

Bukod dito, mayroon ding device na nakakabit sa kanilang tainga kung saan ang isang kasabwat na nasa labas ang nagdidikta ng sagot.

Lumabas naman sa ilang ulat na maaaring ibinenta sa mga mag-eexam ang naturang tsinelas na nilagyan na ng device.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?