15
jose-abad-police
By

5 dinampot sa buy-bust sa Tondo

Sharing is caring!

Arestado ang limang indibiduwal matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa operasyon na isinagawa ng Jose Abad Santos Police Station (PS-7), Biyernes ng gabi sa Dagupan Extension corner Karilagan St., Tondo, Manila.

Ito ay matapos na makabili ang operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng shabu sa mga suspek sa ikinasang buy-bust operation.

Kinilala ng isang SPO3 Flores ang mga suspek na sina Yugenio Ravena, 45-anyos; George Ravena, 46; Salvador Villareal y Ravena, 44; Alphe Abing, 29, at Patrick Ravena.

Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang 13 pirasong sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P26,000 at isang pirasong P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kaagad namang dinala sa Kampo Crame ang mga narekober na droga para sa kaukulang eksaminasyon.

Pansamantala namang ikinulong sa MPD PS-7 ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?