81

Oct 26, 2020 @ 18:06
By

5 dating Miss U PH nag-reunion

Nagsama-sama sa Miss Universe Philippines (MUP) 2020 pageant ang limang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

Kinuha ni MUP national director Shamcey Supsup ang mga kapwa niya beauty queen para maging judge sa kompetisyon.

Makikita sa photo na shinare sa kanyang Instagram ni Miss U 2012 1st runner-up Janine Tugonon habang kasama niya sina Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida at Gazini Ganados, na nakapasok sa Top 20 ng Miss Universe 2019.

“It was great to spend time with these ladies and of course my love @mj_lastimosa (hindi nya nakita ang aming message agad kaya wala sya dito :/ ) Wish we had more time to hangout but time to go!” caption ni Tugonon.

Si Iloilo pride Rabiya Mateo ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020 noong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?