2

By

5 colorum buses huli sa school field trip

Sharing is caring!

Naantala ang field trip ng isang eskuwelahan nang madiskubre na colorum ang inarkila nilang limang tourist bus.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada nakaparada sa Quezon Memorial Circle ang limang bus ng Clanzar nang hanapin nila ang mga dokumento ng mga sasakyan.

Dito nadiskubre na tanging aplikasyon sa LTFRB para makapag operate bilang tourist bus pa lang ang hawak ng may ari ng mga sasakyan.

Bunga nito, hindi na pinaalis ang mga tourist bus at inilipat na lang ang mga estudyante sa anim na rescue bus.

Agad na rin ipinag utos ni Lizada ang pag impound sa mga colorum na bus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?