199

By

5 Chinese warships naglayag sa Sibutu Strait nang walang paalam

Limang barkong pandigma ng China ang muling nakitang naglayag sa karagatang sakop ng Pilipinas nang walang pasabi.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, namataan ng Philippine Navy ang limang Chinese warships sa Sibutu Strait sa magkahiwalay na insidente noong Hulyo at Agosto.

“It was not an innocent passage kasi ang innocent passage straight line lang ‘yun. ‘Pag medyo nagkurba that is no longer considered an innocent passage,” ani Sobejana.

“Since nakita ‘yung presence natin agad naman silang umiwas, lumabas sa teritoryo ng ating bansa,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Sobejana, barkong pandigma umano ang mga ito na dapat kinokoordina ang pagpasok sa teritoryo ng bansa.

“These are warships, their entry to our territory should be coordinated so we informed the national leadership,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?