79
Lola kulong sa tangkang pagdukot ng 2 bata sa Marikina
Oct 3, 2019 @ 14:59
By

5 Chinese arestado sa pagdukot sa kapwa Chinese

Lima na namang Chinese national ang dinakip matapos ma-rescue ng mga tauhan ng Taguig City Police ang dalawa nilang kababayan na kanila umanong kinidnap kamakailan sa lungsod.

Kasalukuyang hawak ng mga awtoridad ang dalawang biktima na sina Shang Jia at Wang Zhe, kapwa nasa hustong gulang at turista.

Samantala hindi pa inihahayag ang mga pagkakakilanlan ng mga nadakip na dayuhan dahil sa nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Batay sa report ng Southern Police District, alas-5:44 ng hapon (Oktubre 2) nang ma-rescue ng mga tauhan ng anti-kidnapping group ng Camp Crame at Taguig City Police ang mga biktima na nagresulta na rin sa pagkakadakip sa mga suspek sa Invech Treasure Corporation sa Le Grand Avenue, Mckinley West, Fort Bonifacio ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Major Ervin Chan ng PNP-AKG, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil umano sa ginawang pagdukot sa dalawang Chinese na ang mga suspek ay kanila ring kababayan.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?