5 bata, isa pa patay sa sunog sa Quiapo

Sharing is caring!

Anim na katao, lima dito ay bata, ang nasawi matapos masunog ang isang residential area sa Quiapo, Maynila Miyekules ng gabi.

Sa report ni James Agustin ng dzBB, umabot sa fifth alarm ang sunog at mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay sa Arlegui Street ay gawa sa kahoy.

Tatlong anak ni Asliya Dacu, residente sa lugar, ang namatay sa sunog matapos ma-trap sa loob ng kanilang bahay.

Ang mga biktima ay sina Jamalia, 9; Jamila, 8; at dalawang taong si Jamaica.

Pinaniniwalaang kasama sa nasunog ang kanyang pamangkin na sina Babylove Sampaco, 10, at Gerald, 9.

Nasawi din sa insidente ang isang “Michael” na pumasok sa bahay ng mga biktima sa pagtatangkang iligtas ang mga bata sa sunog.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?