14

Apr 16, 2021 @ 20:40
By

5 barangay sa Palawan inilagay sa ECQ

Limang barangay sa Puerto Princesa City, Palawan ang inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng COVID-19 case.

Inaprubahan ng regional task force ang paglalagay sa mga barangay Sta. Monica, San Jose, San Manuel, San Pedro at San Miguel sa localized lockdown.

Sa ngayon ay 292 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Puerto Princesa City, 50 ang active case; walo ang nasawi habang 234 ang gumaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?