477

By

5 bagitong pulis, sibak sa pagse-selfie

Nasa hot water ngayon ang limang bagitong pulis ng Cebu City matapos mag-selfie sa kasagsagan ng kanilang anti-drug operation sa Barangay Linao, Talisay City, Cebu.

Dahil sa nangyari, agad na ni-relieve ni Cebu Police Provincial Office, Director Senior Supt. Manuel Abrugena, ang limang bagitong pulis at isasailalim sa imbestigasyon.

Ayon pa kay Abrugena, naaktuhan niya ang limang rookie cops na nagpi-picture kasama ang dalawang hinuling drug personalities na sina Armando Unabia, 54, at Gerald Geraldizo, 42, na inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Candaya, Barangay Linao sa Talisay City, kamakailan.

Umaabot sa 70 plastic packets na naglalaman ng shabu ang nasabat sa nasabing operasyon kung saan mahigpit na ipinag-uutos base sa police’s standard operating procedure na bawal ipakita ang mukha ng mga suspek habang nasa operasyon pa na sinuway ng limang pulis.

Nahaharap sa kasong administratibo ang limang rookie policemen.

Matatandaang una nang na-relieve ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Talisay noong Setyembre 2018 dahil sa pagiging protektor umano ng mga drug personalities, base sa utos ni Central Visayas’ Police Regional Office Director, Chief Supt. Debold Sinas.

Kasabay nito ang kautusan ni Sinas na pamahalaan pansamantala ng Regional Mobile Force Battalion sa Central Visayas at elite force ng Philippine National Police ang Talisay police station at magpatrol sa mga sitio na sakop nito maliban lamang kay Talisay Police Chief, Supt. Marlu Conag, na hindi inalis sa posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?