7

Jul 20, 2021 @ 15:26

5 ASG member sumuko sa Basilan

Lima pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa militar sa Basilan, ayon sa ulat ng mga awtoridad nitong Martes.

Kinilala ang mga sumuko sa kanilang mga alyas. Sila ay sina Nori, 32; Ansar, 44; Dam, 44; Miyo 42 at Sharim, 30.

Ayon sa militar, ang lima ay parte ng grupo ng napatay na ASG leader na si Isnilon Hapilon.

Sa kanilang pagsuko ay dala nila ang apat na Garand rifle at isang KG-9 semi-automatic pistol.

Dahil sa pagsuko ng lima ay umabot na sa 21 ang ASG member na sumuko sa Joint Task Force Basilan simula noong Enero.

“We are optimistic that those bandits who are still hiding will soon come out and avail of the programs and projects that the government offers,” pahayag ng komander ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?