9
views
posas
By

5 arestado sa operasyon ng militar kontra BIFF

Sharing is caring!

Nadakip ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na kabilang din sa political armed group sa Brgy. Tual, Paglat, Maguindanao.

Ito ay makaraang salakayin ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, iba pang unit ng militar at mga miyembro ng Philippine National Police ang pinagkukutaan ng mga suspek.

Sinabi ni 33rd Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, alas-5:30 ng umaga kahapon nang lusubin ng militar at pulisya ang kuta ng mga suspek.

Target ng operasyon ang grupo ni Sindatok Dilna, alyas “Motolite” na tauhan ni Gani Saligan ng BIFF.

Maliban sa pagkakaaresto sa lima, nakuha sa pinagtataguan ng mga suspek ang isang AR 18 armalite rifle at dalawang M1911 caliber .45 pistol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?