411

Jul 29, 2018 @ 12:59
By

5-anyos, ni-rape sa talahiban sa Pandi, Bulacan

Nabisto ang panggagahasa ng isang 21-anyos na lalaki sa isang 5-anyos na batang babae makaraang makita ng isang ginang na naglalakad ang paggalaw ng talahiban at dito makita ang walang pang-ibabang saplot na biktima habang gumagapang palayo ang rapist sa Barangay Bagong Barrio,Pandi,Bulacan kamakailan.

Kinilala ni P/Chief Inspector Manuel de Vera Jr,Pandi police chief,ang naarestong suspek na si Alvin Gonzales y Mendoza ng Grace Park st.,Barangay Bagong Barrio,Pandi na nahaharap ngayon sa kasong rape matapos positibong reypin ang biktimang itinago pa sa pangalang Ineng,5-anyos at residente din sa nasabing lugar.

Nabatid na naglalakad ang saksing si Amelia Rodriquez sa madamong lugar sakop ng Barangay Bagong Barrio,Pandi nang mapansin nito ang hindi pangkaraniwang paggalaw ng mga talahib sa lugar at dala ng kuryosidad ay tiningnan niya ang lugar at makita ang biktimang si Ineng na walang pang-ibabang saplot at nakatihaya sa damuhan.

Nang ibaling nito ang kanyang tingin ay nakita nito ang suspek na si Gonzales na gumagapang palayo sa lugar at dito niya tinanong ang paslit at umaming ginahasa siya ng suspek kaya humingi siya ng tulong sa awtoridad at sa follow-up operation ay nadakip ang suspek at nakakulong ngayon sa Pandi Municipal Jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,