34

By

5-anyos nalunod sa family outing

Namatay ang isang 5-anyos na lalaki matapos na malunod sa swimming pool sa Tapao Mountain Resort sa Barangay Camanggaan, San Juan, Ilocos Sur noong Linggo.

Kinilala ng San Juan Municipal Police Station (SJMPS) ang biktima na si Raymund Icari, ng Barangay Sarsaracat, Magsingal ng nasabing bayan.

Ayon kay SJMPS officer P/Executive Master Sgt. Richard Palpallatoc, nag-family outing ang mga kaanak ng biktima sa nasabing resort.

Lumabas sa imbestigasyon na abala ang mga kamag-anak ng biktima at hindi napansin si Icari na lumusong sa swimming pool.

Ilang sandali lang, nakita na ang katawan ng bata na nakalutang sa swimming pool.

Sinubukan pang iligtas ang biktima ngunit namatay ito bago dumating ng Pira Hospital sa bayan ng San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?