130
5.7M followers 'di umubra! Mocha natalo dahil nag-relax - Ogie Diaz
By

5.7M followers ‘di umubra! Mocha natalo dahil nag-relax – Ogie Diaz

Bigo sa eleksyon si Mocha Uson matapos hindi makakuha ng sapat na bilang ng boto ang kanyang party-list para makapasok sa Kongreso.

At ayon sa sikat na talent manager na si Ogie Diaz, masyado umanong nakampante si Mocha dahil sa dami ng followers niya sa social media.

“Feeling ko hindi siya nagka-campaign. Nag relax siya,” saad ni Diaz.

“Akala niya siguro, mata-translate into votes ang milyon-milyon niyang followers kahit sitting pretty niya.”

Matatandaan na sinabi ni Panelo na naging overconfident si Mocha kaya bigo sa halalan.

Sa kasalukuyan, may 5.7 million followers sa Facebook ang Mocha Uson Blog, ngunit ayon kay Ogie, hindi lahat ng kanyang followers ay suportado si Mocha dahil karamihan ay gusto lang makiusisa.

“Dahil kahit ako ay may 250k plus followers sa fb— na organic, ha?—hindi naman din lahat yan, gusto ako. Yung iba o karamihan, tsismosa lang o observer lang o ayaw lang mahuli sa balita,” paliwanag ni Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?