221

By

5.5 magnitude na lindol tumama sa Nasugbu, Batangas

Sharing is caring!

Inugoy ng isang magnitude 5.5 na lindol ang southwest ng Nasugbu, Batangas kaninang alas-12:25 ng tanghali.

Ayon sa inisyal na report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman din ang pagyanig na Intensity III sa Quezon City.

Tectonic umano ang origin ng lindol na may lalim na 123 kilometro.

Bukod sa QC, naramdaman din umano ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Posibleng masundan pa ito ng aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Wala namang naitalang nasirang istruktura dahil sa lindol. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?