15

Jan 25, 2021 @ 0:02

4th MPBL 2020 tatalbog sa June

Humakbang na agad ang Maharlika Pilipinas Basketball League para sa ikaapat na edisyon sa darating na June sa kabila na nakabitin pa ang 3rd MPBL 2019-20 Lakan Cup.

Siniwalat ito ni MPBL founder at CEO Sen. Emmanuel Pacquiao nitong Sabado sa Zoom meeting sa 31 team owners at representatives.

“Tuloy-tuloy ito,” lahad Pacquiao, hinirit pa ang pagtatayo ng sariling tahanan ng semi-professional regional league sa Metro Manila na magsisilbing neutral playing venue.

Pinahayag naman ng San Juan, Makati, Davao Occidental at Basilan, ang kahandaan na sa Lakan semifinals na balak simulan sa February.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?