50

By

4Ps ng DSWD pinarerepaso ni Bam Aquino

Sharing is caring!

Iginiit ni Senador Bam Aquino sa Department of Social Werlfare and Development (DSWD) na baguhin ang listahan ng mahihirap na pamilya na saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Bunsod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na may P1.3 bilyon para sa 4Ps na hindi kinuha ng may 1.9 milyon na individual beneficiaries noong 2017.

Ayon sa COA, sa tagal na hindi kinuha ang cash subsidy, maaring hindi talaga ito kailangan ng beneficiaries kaya naman pinagdudahan kung talagang mahihirap ang mga ito.

Diin ni Aquino, dapat pakinabangan ng totoong nangangailangan ng tulong ang nasabing salapi.

“Hindi tama na nakatengga lang ang pondo para sa tulong habang nalulunod na ang marami sa taas-presyo. Sayang naman ang pondo na maaaring pakinabangan ng iba pa nating mahihirap na kabababayan,” pahayag ni Aquino.

Samantala, inulit nito ang pangangalampag sa DSWD at sa Department of Transportation para ipatupad na ang utos ng TRAIN law na unconditional cash transfer o cash subsidy sa 10 milyong pinakamahihirap na pamilya at ang Pantawid Pasada Program na tulong sa jeepney drivers at operators.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?